Tuesday, September 24, 2013

Wika natin ang daang matuwid

"Wika natin ang daang matuwid"


                        Wika? Ito ang pinakamalakas na sandata sa pag-unlad ng ating bansa. Sinimulan ng mga bayani, katipunero at mga iba't ibang tao na naghahangad ng kalayaan. Ito rin ang solusyon ng pagkakaisa at pagkakaunawaan ng isa't-isa.
                       Mga Pilipino, Amerikano, kastila at iba't-ibang lahi sa mundo, ginagamit at tinatangkilik ito sapagkat dahil dito nagiging masagana at maayos ang bansang kinatatayuan ko. ito ang dahilan sa pag unlad ng bansa sapagkat saanmang parte ng mundo pag ikaw ay Pilipino, tayo ay nagkakaunawaan. Mahalin, tangkilikin at gamitin ito. Mahalin ito katulad ng pagmamahal sa sarili mo. Tangkilikin ito katulad ng pagtangkilik sa iyong mga paborito at gamitin ito para sa pagkakaunawaan saanmang parte ng mundo.
                       Kaya tayong mga Pilipino- Tangkilikin,mahalin at ipagmalaki ito para sa kalayaan ng bawat Pilipino.

No comments:

Post a Comment